Miyerkules, Setyembre 28, 2011

Lolong at iba pang Super Buwaya



1,075-kg, 6.4-meter (21-foot) crocodile captured in Agusan Sur creek... WOW!... ang laki nyan ah, galing nyo manghuli ng buwaya... sana kayo din makahuli kay GMA at FG!... 6.4 m, 1,075kg croc is big...but this croc is bigger!
1. Arroyo awarded a $470-million contract to Argentine firm Industrias Metalurgicas Pescarmona Sociedad Anonima (IMPSA) to rehabilitate a power plant in Laguna

2. The P600-million overprice of the construction of the GSIS-funded 5.1-kilometer President Diosdado Macapagal Boulevard in the Manila Bay reclamation area.

3. The Jancom controversy involved a $360-million (P18 billion) incineration project in which the Jancom Environment Corp. (JEC) would burn 3,000 tons of Metro Manila garbage a day for a tipping fee of $10 per ton.

4. GSIS contributed at least P100 million to the campaign funds of Pres. Arroyo.

5. Naia’s Terminal 3 overpricing.

6. Nueva Vizcaya Rep. Carlos Padilla revealed that 600,000 metric tons of rice imported from India were found to be rotten and moldy. Kishore Hemlani, an Indian trader allegedly close to Arroyo, reportedly bagged the P9.5 billion contract for the rice importation.

7. Mike acquired, resold, and managed at least five properties with a total value of at least $7.1 million in San Francisco from 1992 to 2000.

8. Sen. Panfilo Lacson accused First Gentleman Jose Miguel Arroyo of money laundering: he allegedly siphoned off at least P321 million in campaign funds and contributions and put these in a secret bank account under the name Jose Pidal.

9. The Northrail project started during Ramos’s administration but it was only in February 2004 when Finance Secretary Juanita Amatong entered into a credit loan agreement with the Export-Import Bank of China. The agreement granted the Philippine government a $400-million loan facility to finance the construction of the project.

10. President Arroyo was accused of using fertilizer funds for the 2004 election. The fund, worth P728 million, fell under the Ginintuang Masagana Ani Program. Jocelyn Bolante, agriculture undersecretary and regarded as the architect of the fund, left the country and sought asylum in America.

11. In Senate hearings on jueteng that began in May 2005, jueteng operators and bagmen said the President’s husband, Mike, her son Mikey, and her brother-in-law Ignacio or Iggy were among those who received monthly payoffs from gambling lords. The payoffs ranged from P500,000 to P1 million.

12. According to Solicitor General Alfredo Benipayo, the botched P1.3 billion poll modernization project of Comelec was overpriced by P500 million. Comelec ignored its own bidding rules and changed these to suit one favored bidder: MegaPacific Corp.

13. During Manny Pacquiao’s match with Erick Morales in Las Vegas, the First Gentleman allegedly stayed in a $20,000-a-night suite at the MGM Grand Hotel in Las Vegas, Nevada.

14. Transport Secretary Leandro Mendoza and ZTE Corp Vice President Yu Yong signed a $329.5 million contact for a national broadband network deal in April. President Arroyo and the First Gentlemen were said to have visited China for the contract-signing.

15. Electoral Fraud... stealing the mandate of the people.

16. sale of three choppers, two of them used, for P104.5 million.

kailangang i-correct at i-rectify at linisin ang kasalanan ng nakaraan to be assure that the greedy won’t get greedier and the hungry hungrier... kaya kung mas malaki at mahaba mas maganda. =)

sabi nga ni de quiros: It puts morality and justice at the heart of things, at the core of things, at the head of things. In the end, it’s game changing: politically, culturally, spiritually.

Lunes, Setyembre 26, 2011

Dumating na ang araw n’yo

http://opinion.inquirer.net/10969/dumating-na-ang-araw-n%E2%80%99yo

Dumating na ang araw n’yo 

 


Tapos na nga ang Linggo ng Wika, pero hindi pa rin naman tapos ang Buwan ng Wika, pwede pang ihabol ito. At kahit na kantong Tagalog pa rin lang ang alam ko, pipilitin kong mabigyang anyo ang nararamdaman ng bayan ngayon. Baka nga mas angkop ang salitang kanto para dito.
Dalawang taon na ang nakakaraan mula ng sinulat ko ang “May araw din kayo” bilang pagtugis sa mga bwisit sa ating buhay. Di pa rin tuluyang nawawala ang mga bwisit na ’yan, pero masasabi na nating “Tapos na ang maliligayang araw n’yo.” Sa totoo, pwede na nga rin nating sabihing “Dumating na ang araw n’yo.”
Para ’to sa kanila:
Kayong mga nagsasabing lubayan na ang pag-usig sa mga nandaraya, nandarambong, at nagsalaula sa bayan nitong nakaraang dekada dahil ito ay persecution o paninikil at walang magandang naidudulot sa bayan, kami ang lubayan n’yo. Kami ang tantanan n’yo. Kami ang tigilan n’yo. Bumenta na ang dramang ’yan, nilalangaw na sa takilya and sarswelang ’yan. Noon pa ’yan sinasabi ni Imelda, na me paiyak-iyak pa, me pa dab dab pa sa mata ng panyolitong binababad sa pabango, persecution daw ang pag-usig sa kanila. Persecution daw ang paghabol sa ninakaw nila. Persecution daw ang pagsisikap na maikulong sila.
Kung nilalait ka dahil pandak ka, maitim ka, steel wool ang buhok mo, ang tawag d’yan ay persecution. Kung inuusig ka dahil magnanakaw ka, mandaraya ka, walanghiya ka, ang tawag d’yan ay katarungan. Kung nilalait ka dahil maganda ka, mayaman ka, matalino ka, ang tawag d’yan ay inggit. Kung inuusig ka dahil nagpakasasa ka, nagkasala ka, gumawa ka ng katiwalian, ang tawag d’yan ay dapat lang.
Kung hindi mo alam ang pagkakaiba n’yan, barilin mo na lang ang sarili mo sa puso.
Kayong mga prayle na labis na nasindak sa paintings na me lalawit-lawit na ari ng lalaki sa mukha ni Hesukristo, di n’yo ba naisip na kayo ang tinutukoy n’yan? Na kayo ang naghahagis ng kung anu-anong kalaswaan sa mukha ng inyong Poon, na Poon din ng nakararaming Pilipino? Ano’ng sabi n’yo nang nabulgar ’yong paninikil n’yo sa PCSO? Ang PCSO ang dapat magpaumanhin sa inyo dahil sinabi nitong nangikil kayo ng Pajero samantalang ang totoo ay nangikil kayo ng Montero? At ano’ng sinabi n’yo nang mabuking ang paborito n’yong presidente na nagnanakaw ng boto? “Lahat naman sila nandadaya”?
Di n’yo lang pinapaskelan ng mga ari ng lalaki ang mukha ni Kristong Hari sa mga ganyang asta. Hinahagisan n’yo ito noong bagay na lumalabas sa inyo pag nakaupo kayo sa trono.
Gusto ko rin sanang sabihin na bumenta na ’yan, nilalangaw na ’yan, pero panahon pa ni Rizal ginagawa n’yo na ’yan at tunay na himala na hanggang ngayon ay nagagawa n’yo pa ’yan. Daig ang “Ten Commandments” na isang taon na sa Galaxy pinipilahan pa rin ng mga deboto. Pasuot-suot pa kayo ng puti and paki-pakita pa kayo ng pagkagimbal sa makasalanang mundo. Di ba si Kristo na rin ang nagsabi na ang nasa loob ng magagarang libingan ay naaagnas na balat?
Ikaw naman Mike Arroyo, nabisto ka na, papalusot ka pa. Buti secondhand helicopter ang binenta mo sa mga kakuntsabang heneral, hindi Tamiya. ’Di ka pa nakontentong magpamalas sa publiko ng kawalang kabusugan, nagpamalas ka pa ng kawalang galang sa kaugaliang Pilipino.
Di ba sa ating mga Pinoy, kapag kuya ka, ikaw ang tagakupkop sa nakababatang kapatid, ikaw ang tagatanggol sa nakababatang kapatid, ikaw ang tagaprotekta sa nakababatang kapatid? E, ikaw, e, para lang mailigtas ang sarili, una mong binabalato ’yung nakababata mong kapatid, una mong pinapahamak ang nakababata mong kapatid, una mong hinaharap sa bala ang nakababata mong kapatid. Ginawa mo na s’yang Pidal, gagawin mo pa s’yang taga ukay-ukay ng helicopter.
Gusto ko rin sanang sabihin na ’yong isa naman ay Dakilang Martir or Dakilang Tanga. Pero nakinabang din, naging kongresista.
Tanga man, di naman dakila.
Kayong mga Comelec commissioners, mga heneral, mga kongresista, at mga obispong tumulong kay Gloriang mandaya at mailuklok s’ya sa poder, huwag kayong mag-alala, dadamihan namin ang mga kulungan para lang mapagkasya kayong lahat. At least pwede kaming mangarap na makukulong din ang mga pekeng alagad ng Diyos. Hindi na kayo nahiya, kayo pa naman ang naturingang tagapagtanggol ng halalan (Comelec), tagapagtanggol ng bayan (AFP), tagapagtaguyod ng batas (Kongreso), taga gabay sa moralidad (Simbahan). Tindi n’yo mga tsong. Binaboy n’yo ang mga institusyon n’yo.
At ikaw naman Gloria, paawa epek ka pa d’yan, bigla kang magkakasakit nitong mga araw na malapit ka nang tamaan ng kidlat. Sabi ng mga kakampi mo, teka muna, totoo namang me sakit ka, at malubha pa. Sensya na, pero ganyan talaga ang sinasapit ng mga taong nagsasabi na hindi tatakbo pero tumatakbo, “I am sorry” pero hindi naman sori. At ipagpalagay na nating totoo ngang me sakit ka, at malubha pa, ano ngayon?
Naaawa nga kami sa iyo, mas naaawa naman kami sa sarili. Naaawa nga kami sa pamilya mo, mas naaawa naman kami sa bayan.
Sa loob ng sampung taong nakaratay ang bayan, naawa ka ba? Sa loob ng sampung taong namimilipit ang bayan, nahabag ka ba? Sa loob ng sampung taong nag-aagaw hininga ang bayan, nabahala ka ba? Ano, kakalimutan na lang natin ang hustisya dahil me sakit ka? Ipagpapaliban na lang natin ang katarungan dahil me karamdaman ka?
Kapareho ka na rin nung mga pinatatawag sa Senate hearing na biglang nagme-“may I go out” dahil nakakaramdam daw sila ng mataas na presyon. Aba’y dapat lang tumaas ang presyon n’yo.
Ang ina n’yo, na si Inang Bayan, ay nananangis. And ina n’yo, na si Inang Bayan, ay naghihinagpis. Ang ina n’yo, na si Inang Bayan, ay nagngingitngit.
Pero me bawi ang lahat, pumipihit din ang panahon. Lintik lang ang walang ganti. Tanga lang ang di nagkakaroon ng hustisya. Bampira lang ang di nasisilayan ng liwanag.
Dumating na ang araw n’yo.

Linggo, Setyembre 25, 2011

How shall freedom be defended?

How shall freedom be defended? By arms when it is attacked by arms; by truth when it is attacked by lies; by democratic faith when it is attacked by authoritarian dogma. Always and in the final act, by determination and faith.’ - Archibald Macleish

What did you ever do to change the world?

What did you ever do to change the world? 

I guess it's hard for people who are so used to things the way they are - even if they're bad - to change. 'Cause they kind of give up. And when they do, everybody kind of loses.- Trevor Mckenney (Haley Joel Osment)

Laws Of Life

When you consciously use The Seven Cosmic Laws you can create your wildest dreams; consider them the "Laws Of Life."
1st Cosmic Law: The Law Of Mentalism 
2nd Cosmic Law: The Law Of Correspondence 
3rd Cosmic Law: The Law Of Vibration 
4th Cosmic Law: The Law Of Polarity 
5th Cosmic Law: The Law Of Rhythm 
6th Cosmic Law: The Law Of Cause And Effect or Karma 
7th Cosmic Law: Law of Gender

"WEATHER WARFARE"

High-Frequency Active Aural Research Program (HAARP)-"A super-powerful radiowave-beaming technology that lifts areas of the ionosphere (upper layer of the atmosphere) by focusing a beam and heating those areas. Electromagnetic waves then bounce back onto earth and penetrate everything-living and dead."

The ability of the HAARP / Spacelab/ rocket combination to deliver very large amount of energy, comparable to a nuclear bomb, anywhere on earth via laser and particle beams, are frightening.

Techniques of weather modification could be employed to produce prolonged periods of drought or storm even earthquakes and tsunamis.

Man?!?

"Man is the only creature who refuses to be what he is."
— Albert Camus
"Two things are infinite: the universe and human stupidity; and I'm not sure about the universe."
— Albert Einstein

Natutulog si Browny ng kadyutin ni Blacky

Feel the Earth and You will Conquer

 Swift as the wind
 Quiet as the forest
 Conquer like the fire
 Steady as the mountain

Repost: Para sa Diwa daw ng People Power

For 25 long years, the opportunity for change knocked and waited, and then knocked and waited some more. But opportunity is only as precious and as relevant as the ability of anyone to seize it. Without takers, it cannot knock and wait forever.
- Jerry Tundag
The fact that we have even named two entirely different occurrences as Edsa Dos and Edsa Tres proves we do not know what we want... Things would have been different had the changes sought to be achieved by the revolt happened... freedom, the supposed buzzword of the revolution, is just a concept.

Dear Dr. Ruth

confession ng misis na sex maniac ang mister... pakibasa lang po.
 
 
"Fall down seven times, get up eight."
"art is not about what you see, but what you make others see."

The deterioration of the Senate

The deterioration of the Senate
By Isagani A. Cruz

Philippine Daily Inquirer

First Posted 19:11:00 05/22/2010


MANILA, Philippines?There was a time when the Senate was fully respected, when Manuel L. Quezon was elected its first President under the Jones Law in 1916. This popular feeling lasted with the people when Sergio Osmeña joined the chamber as president pro tempore and Manuel A. Roxas, his partner in the pro-anti squabble of 1934 followed, under the reunited Nacionalista Party.
This feeling of unity among the Nacionalistas raised no alarm except for one of their men, Jose P. Laurel, who was replaced in the Senate by Claro M. Recto, head of the fledgling Democratas. Recto?s presence did not affect the power of the Nacionalistas in the appointment of persons to various offices, including members of the Supreme Court.
The change came with the creation of the Liberal Party headed by the rebel Roxas as president of the Senate. His victory in 1948 as the new President of the Philippines changed the rules on appointments altogether, with the appointees chosen solely by the party in power. This rule was applied as well to the choice of candidates to elective offices, which was determined at the traditional conventions. The choice was made by the party in power alone.
Thus, it was formerly possible for an aspirant for public office to demand that he be chosen by decision of the party convention and not by a cabal of cigar-smoking executives of the party in power. That is how those who topped the senatorial elections were selected.
Examples are Camilo Osias who wrote the Philippine Reader that students studied in grade school and also Jovito R. Salonga, another topnotcher in the senatorial election, for having distinguished himself as a student in Harvard and, later, as a member of its faculty, an honor never before accorded a Filipino.
The 1987 Constitution has effected its own change in the manner of choosing elective candidates. It has abolished the two-party system and replaced it with the multiparty system, which usually does not permit a party to exist by itself but allows it to operate in tandem with others. That is where the problem exists.
The choice of the candidate is not made by the usual party convention but by decision of the strongest party with the privilege of making the final decision. Thus, groups like the senatorial candidates of the Lakas-Kampi-CMD were chosen by its head Gloria Macapagal-Arroyo with disastrous results. Two former leaders were snatched from the opposition, with one lost and the other ceasing to be an oppositionist.
Her choice of the senatorial candidates this year reflects her lack of respect for the electorate that entrusted her with the office she now holds. This choice must be made with the greatest of wisdom and with the realization that it may affect the future of the country one is supposed to serve above all else. It also demonstrates the lack of honor?and also sheer intelligence?on the part of the people she would entrust with the future of the nation.
Who are the men and women who have been certified as the new members of the Senate and will sit with the incumbent members whose term will expire in 2013? They are, assuming there was no anomaly in their election: Ramon Revilla Jr., Jinggoy Estrada, Miriam Defensor-Santiago, Franklin Drilon, Juan Ponce Enrile, Pia Cayetano, Ferdinand Marcos Jr., Rafael Recto, Tito Sotto, Sergio Osmeña, Lito Lapid, and Teofisto Guingona III.
I have no quarrel with most of them except those who had been chosen, shall we say, haphazardly.
Revilla, who topped the list of winners, served as the plastic hero in many popular movies and television shows while serving as a senator of the land and getting paid for it.
Estrada, while serving as senator, spent much of his official time preparing and delivering his privilege speeches in defense of charges made against his father by Sen. Panfilo Lacson, who has since disappeared.
Sotto, who was rejected in the 2007 senatorial elections, denounced a security guard for refusing him entry into a private subdivision and blocked the acceptance of a committee report providing for the prosecution of the disappeared Senator Lacson.
And Lapid, who never attended a meeting of the Senate en banc, is expected to repeat his past performance. Will he go to the observation room next to the session hall and not participate in the proceedings of his colleagues as a senator of the land?
Should this be the sworn conduct of duly elected senators of the Philippines? Could we not have expected more than this from Adel Tamano, Risa Hontiveros-Baraquel, and Ruffy Biazon, who all lost in the last senatorial election? Would Manuel L. Quezon have permitted such action from the members of the old Senate?
Each generation has its own peculiarities. But the current strangeness would easily be rejected by earlier office-holders who respected the traditional conduct based on honor and self-respect. Sadly, this is not followed by many occupiers of present offices who hold them as opportunities for self-advancement and cupidity.

Sun Erupts Double Whammy


WOW!... I remember one movie of Nicolas Cage titled "Knowing"... a movie about the destruction of Earth caused by massive solar flare... very very disturbing.

Mercer's Warning Signs

Antarctica has been losing ice mass since at least 2002... more than a hundred cubic kilometers (24 cubic miles) of ice each year since 2002.
Thirty-two years ago, glaciologist John H. Mercer of the Institute of Polar Studies sounded a fire alarm about global warming... “I contend that a major disaster — a rapid 5 meter (16 foot) rise in sea level, caused by deglaciation of West Antarctica — may be imminent or in progress after atmospheric CO2 [carbon dioxide] content has only doubled.”

the ‘warning signs’ would be: “the breakup of ice shelves on both coasts of the Antarctic Peninsula, starting with the northernmost and extending gradually southward.”

Mercer’s warning signs are already appearing,

Imagine Earth without an atmosphere - without clouds, wind or air.

Imagine Earth without an atmosphere - without clouds, wind or air. Earth's atmosphere protects, transports, and reacts to life on Earth. Without our ozone layer, the surface of Earth would be subject to harsh radiation coming from the sun. Without good quality air, public health and ecosystems suffer.
- Dr. Amber Jenkins

immortals no more... shout nevermore!

I wanna get High

...ang sinusulat niya ay hindi mauunawaan ngayon... ngunit, ang mga susunod na salin-lahi ay maiintidahan ito sapagkat ang mga ito ay higit na matalino at malamang hindi nahihimbing sa panahon ng kanilang mga ninuno.
- Pilosopong Tasyo



"ayaw mo bang maglaro ng taguan?... nalaro mo na ba ito?"
"wala ng sasaya pa sa larong habulan at pagtatago ng iyong sarili."

Gusto mo ba ng.... Pocky!!!

Ako gusto ko...

"To think great thoughts you must be hero as well"

Doomsday Vault


Located on the Norwegian island of Spitsbergen near the town of Longyearbyen in the remote Arctic Svalbard archipelago, about 1,300 kilometres (810 mi) from the North Pole.

The first specimens — 7,000 seeds from 36 African nations — have shipped to the Svalbard Global Seed Vault, a repository in the Arctic Circle being built to store a safety copy of vital agricultural information, in case disaster should befall us.

Earth is one special planet.


Earth is one special planet.
It has liquid water, plate tectonics, and an atmosphere that shelters it from the worst of the sun's rays. But many scientists agree our planet's most special feature might just be us.
- Clara Moskowitz

Stunning Lunar Eclipse Photos Reveal Blood-Red Moon


This photo of the Dec. 20 total lunar eclipse by Jimmy Westlake shows the blue edge to Earth's shadow set against the reddened moon. Credit: Jimmy Westlake.



ethnic wars... political unrest... tyranny... 
 "human will not just to survive in the face of death, but to live with dignity, humour, purpose and creativity."
we don't have to become a monster in order to defeat a monster"
- Bono

Sino?

"Fear not the weapon, but the hand that wields it"

Wiwi muna... Wiwi!

Naiihing parang hindi
Nangangating parang hindi
Alam kung sa’n kakamutin;
Nawiwindang, nangingiwi.
- Fermin S. Salvador

Lips to Lips na Eeewww!


Tao of Simplicity: The Old Man, the Boy, and the Donkey

"Please all and you will please none."
The lesson from this story applies to both business and life in general:


An old man, a boy, and a donkey were going to town. The boy rode on the donkey and the old man walked beside him. As they went along they passed some people who remarked it was a shame the old man was walking and the boy was riding. The man and boy thought maybe the critics were right, so they changed positions.


Later, they passed some people who remarked, "Whate a shame! He makes that little boy walk." They then decided that they would both walk.


Soon they passed some more people who thought they were stupid to walk when they had a decent donkey to ride. So they both rode the donkey.


Now they passed some people who shamed them by saying how awful to put such a load on a poor donkey. The boy and man said they were probably right, so they decided to carry the donkey. As they crossed the bridge, they lost their grip on the animal, and he fell into the river and drown.
gawin mo lang kung ano tama at hayaan ang konsyensya mo magsabi kung ito ay mali... hindi ibang tao, hindi ang nakapaligid sa iyo... hawak mo ang buhay mo, ikaw lang ang nakakakilala sa sarili mo.

Violent relationship with earth must stop; next time ‘there will be no Noah’s Ark’

http://www.businessmirror.com.ph/home/perspective/5725-violent-relationship-with-earth-must-stop-next-time-there-will-be-no-noahs-ark


Bolivia supports the thesis that the Earth is “Pachamama,” a living organism that must be respected and cared for, not just exploited.

The argument is that it is necessary for development...Growth means what? Exploiting nature? It is precisely that type of growth and development that could lead us to the abyss, because we humans are
consuming 30 percent more than what the Earth can replace.

That is the vicious circle. China can’t go on emitting 30 percent (of global greenhouse emissions), because the pollution does not stay in China, it enters the global system.

There are regions in the world that have changed so much that they’ve become uninhabitable. That is why there are 60 million displaced persons in Africa and Southeast Asia, which are the most affected by climate change and which emit less carbon. If we don’t stop it, in the next five to seven years there will be as many as 100 million climate refugees, and that is going to create political problems

Sabado, Setyembre 24, 2011

"Comforter"

narinig ko sa radyo...
"sir, saan ko ilalagay ang comforter?"... "ipatong mo na lang sa kama."... "sir, ok na po nailagay ko na sa kama ang comforter... saka skaner at prenter."

Biyernes, Hunyo 3, 2011

Ibong Pabitin-bitin


namp#t@!!!... dalawa lang ibig sabihin nito... unique lang syang magbigti o kaya nakapag=asawa 'to ng dragon!


tawag siguro dito eh makabago, simple at safe na enlargement ng batotoy?... ang sagwa lang tingnan mala-Elias Paniki eh.


pwede nmang bagong version ito ni spiderman... sa iba nga lang lumalabas ang sapot... kaso mukhang supot.

‎"You've got to stop the fight"- Shocking video of Shane Mosley in Pacquiao fight


Shane Mosley and Naazim Richardson in between rounds... Credit: Showtime... gusto na palang umayaw ni shane ayaw lang ng trainer na si Naazim kaya nanakbo na lang.


Hawak ng round girl ay round11... hmmm eto yung nagalit si Pacman ng binilangan sya sa round10 at nag-umpisang umatake at bumawi. natakot si mosley na pababagsakin at tatapusin sya ni Manny sa round11.


Takbo Shane... Takbo!!!

Sino ba ang Bayani?

Ang masa, ang masa lamang
Ang siyang tunay na bayani.

Karylle is Hot!


Kung ganito ba tsik mo pakakawalan mo pa?... legs pa lang ulam na!

Biyernes, Abril 22, 2011

My Other Side

After Jesus drank the wine, he
said, "Everything is done!" He bowed
his head and died.
John 19:30

At this moment, on this day, we have
seen it all.

God bows his head respectfully and
dies.

Everything dies.

Life dies.

Death dies.

Everything is done...
... except love.Only love is not done.
Only love will not die.




The death of Jesus was not the death
of a martyr, it was the revelation of
the eternal heart of God.

- Oswald Chambers

Ops! 'alang kokontra, moment ko 'to... pakita ko naman sa inyo ibang anyo ko.
Pag-ibig... yap! yan ang inalay nya sa atin hindi ang pagkamatay nya dahil kahit kelan hindi namamatay ang Diyos. Sa sobrang pagmamahal nya sa atin kahit anak nya binigay nya sa atin para ialay sa kanya katumbas ng kasalanan natin... kaya pwede mong sabihin na iniligtas ka ni Hesus... pero... sa part nya 'yon, kayo ano ginawa nyo sa sarili mo para sabihin mo na isa ka nga sa nailigtas?... ako? Makasalanan pa rin, tsk...tsk... ano bang gagawin ko sa sarili koooo!... Kahit siguro magpapako ng 12 beses si Kristo magkakasala pa rin ako, pero gagawin pa rin nyang magpapako di siya magsasawa... mahal nya ako e, mahal nya tayo. Kaya tablan naman sana tayo ng hiya.
May nabasa pala akong libro sa Kerygma (sana tama spelling ko... tama yan!) ng ipako daw si Kristo nakabuka ang mga kamay sa krus, yun daw ang pinakamahalaga at punong-puno ng pag-ibig na yakap na naramdaman ng mundo... yakap ng Diyos para sa makasalanang mundo... o di ba kung hindi pag-ibig yun e ano? Makasalanan ka na niyakap ka pa, di ng tao ha... kundi ng Diyos.

Lunes, Marso 28, 2011

ANG SARAP MAGING SENADOR ! ! !


ANG SARAP MAGING SENADOR!

Maganda rin naman ang naidudulot ng pagiging prangka ni Senador Miriam
Defensor-Santiago. Ayon kay Santiago, marami ang tumatakbong Senador
dahil sa laki ng budget na ibinibigay sa kanila kada buwan.

Lumalabas na P35,000 suweldo nila kada buwan ay pakitang-tao lang sa
milyun-milyong budget ng bawat senador. Kada buwan ay may Fixed Monthly
Budget ang bawat Senador ng humigit-kumulang P2 Milyon.

Sa opisina pa lang nila ay humigit-kumulang P500,000 ang budget nila sa
Maintenance and Operating Expenses (Rental, Utilities, Supplies at
Domestic Travels) at P500,000 para sa Staff at Personal expenses. Kaya para
makatipid ang ibang Senador, kaunti lang ang staff na kinukuha nila.
Nagtataka ka pa kung bakit mayroong mga Ghost Employee?

Bukod diyan, may P760,000 allowance pa sila kada buwan para naman sa
Foreign Travel. At ang masakit pa nito, hindi na kailangan i-liquidate
ang mga resibo ng mga gastusin 'yan kundi Certification lang ang
Requirement.

Heto pa, lahat sila ay Chairman ng mg Komite sa Senado. Ang Committee
Chairman ay tumatanggap din ng budget na sinlaki ng tinatanggap ng mga
Senador na humigit-kumulang P1 Milyon din! Hindi sila mawawalan ng
Komite dahil 24 lang ang ating mga Senador at 37 naman ang Committee sa
Senado. There's food for everybody 'ika nga! Lumalabas na doble ang kanilang
benepesiyo at kita kapag sila ay nabiyayaan ng Committee Chairmanship.

Sa P200 milyon na Budget para sa Pork Barrel ng mga Senador bawat taon,
awtomatikong may 10% na S.O.P. o kita ng Senador na P20 milyon. Ito ang
porsiyento na ibinibigay ng mga kontratista sa mga Senador na
nagbibigay sa kanila ng mga Infrastructure at Livelihood Project.

Bago matapos ang termino ng isang Senador, kumita na siya ng P100
milyon sa Pork Barrel pa lang. Yung ibang Senador mas gahaman, hindi lang 10%
kundi 20 - 30% ang komisyon hinihingi sa mga kontratista.

Pansinin niyo na lang ang pagbabago ng buhay ng ilan sa ating mga
Senador simula nang manungkulan sa puwesto. Kung dati ay simple lang ang
kanilang pamumuhay ngayon ay nakatira na sila sa mga eksklusibong subdivision,
maraming bahay sa Pilipinas at abroad at mahigit lima ang sasakyan.

Ngayon nagtataka ka pa ba kung bakit gumagastos ng daan-daang milyong
piso ang mga Senador sa kampanya para sa isang posisyon na P35,000 lang ang
suweldo kada buwan? Bawing-bawi pala ang gastos kapag naupo na!

ANG SARAP MAGING SENADOR ! ! !

Linggo, Marso 27, 2011

May Eskwelahan ba ng Shunga?

Alas kwatro na nag madaling araw... gising na naman dahil alas singko ng umaga ang duty ko ngayon, syempre kape muna at yosi bago maligo... pampagising.
Nagtatrabaho ako sa isang golf course dito sa Cavite na malapit sa amin... kaya ako kahit bitin ang tulog time in na para mag-trabaho. Alis muna syempre ng kung anong abubot sa bulsa at itago sa aking locker at umpisa na ng trabaho.
Alas singo kinse, pumasok sa amin si Rollyn, ang technical support namin. Konting kwento at kantyawan sabay tanong kung sino nakaday-off ngayon.
"Si Tagar martes eh" sabi ko... sabay tingin ni Olyn sa sked namin... "Pati pala si Kuneho" sagot nya...
 (Hmmmm, dalawa day-off e lima lang kami sa section na 'to... dalawa kaming pang-umaga ba't isa lang ang closing... teka...)
NAKANAMPUTSA! 10-6 PALA AKO NGAYON... SYET! ANG SHUNGA KO! MANGMANG!

Ang sarap matulog sinayang ko... teka uwi muna para ipagpatuloy ng isang engot na katulad ko ang nabitin kong tulog... Grrrrrrr!.... Nung nakaraan naman naalimpungatan ako eh nainis ako at di ko narinig ang alarm ng relo, pagtingin ko sa wristwatch (indiglo) ko 'yung malaking kamay nasa 15 na... paspas ako para di ma-late, pagdating ko sa gate1 nadaanan ko pa yung shuttle na nakaparada (mukhang napasarap ng tulog ang driver ah, tinanghali)... diretso lang ako... pagdating ko sa gate2, saradoooo...
SYEEET! ALAS DOS PA LANG PALA NG MADALING ARAW!... UWI NA NAMAN SI SHUNGA!

Pagdating naman ng hapon nabiyayaan naman ako ng chocolate galing sa member na balikbayan, tsalap! E gutom ang shunga di na nagbreak kundi yosi break lang, naubos ko, sumakit ang ulo ko mukhang migraine, yipeeee!
What a day. Punyemas.    

May eskwelahan ba para sa engot?...


I Am Grimaldi

Grimaldi
 (December 181778 – May 311837)

One night in 1808, a miserable-looking man came to the Manchester office of one Dr. James Hamilton looking for help. "Doctor," he groaned, "I am sick unto death. I am frightened of the terror of the world around me. I am depressed by life. I can find no happiness anywhere, and I have nothing to live for. If you can’t help me, I shall kill myself."
Dr. Hamilton regarded him compassionately. "Sir, this malady is not mortal. You only need to get out of yourself, to get some pleasure from life. I will tell you what to do. Go to the circus tonight to see the clown Grimaldi. He’s phenomenal. Grimaldi can cure any depression."
As he spoke, doctor was surprised to see a dreadful shadow came over the man’s face. "Doctor," the man replied despairingly, "I am Grimaldi."   
JOSEPH GRIMALDI (December 181778 – May 311837), the most celebrated of Englishclowns Grimaldi's performances were reminiscent of the classic Commedia dell'arte... 
Nakanamputsa ilang beses ko ng nabasa ang famous anecdote na'to, pero hanggang ngayon di pa rin ako makapaniwala. Meron palang ganun... kung merong na-immune sa gamot si Joseph Grimaldi naman e na-immune sa sariling kasiyahan.   Gusto pa nyang paslangin at padanakin ang sariling dugo... sa sobrang depresyon sa makasalanang mundo na 'to... kung mayron pang mga taong ganito, kailangan ko silang iligtas!
...eh sino naman kaya ang magliligtas sa 'kin?
...kahit wala, kaya ko naman e pag ganito... mambabalahura na lang ako at mangungulit ng kapwa ko utot haha!

...o kaya magpapakain na lang ako sa mga nagugutom... wala nga pala ako pera, mga gutom na ispiritwal na lang bubusugin ko... di ko rin pala kaya, demonyo nga tingin sa 'kin ng iba eh (manyak daw ako, pero sa isip ko di totoo... sinungaling lang sila).
Eh kung si Grimaldi kaya manyak din madepress pa kaya? Malamang lalo na kung ala ma-manyak, talagang nakakaluko 'yun.
Kung sa 'kin naman nangyari yung katulad kay Grimaldi at wala na talagang makakalunas kahit tapal na dahon na may bulong na latin ng albularyo, di naman ako magpapakamatay... vigilante na lang ako, makikipagtuos na lang ako sa mga kriminal at utasin lahat ng masasama... patapon na rin lang ako e di paslangan na lang tayo haha!

Sabado, Marso 26, 2011

Kahon ng Pangarap



Title: On the Grass

Art by: the lascionz


Ang kyut... maganda ang pagkakakulay... pero ano ba ang mensahe at mga simbolo nito?... ating himayin.




Ang langit ay ang walang katapusang pangarap... malawak... at ang mga ulap ang sumisimbolo kung maganda o pangit ang mga ito... parang panahon... may kulimlim, may maaliwalas at kung minsan maulan... at ang araw ang nagbibigay liwanag dito.
Ang kahon ay simbolo na kailangan mong lumabas para masilip mo ang lahat ng mga ito. kailangan mong lumabas ng kahon... maari din na ang kahon ay nagsasabing walang mukha para sa mga pangarap, dahil lahat, kahit sino at kung ano ka pa man... pwedeng mangarap.
Isang kahon na punompuno ng pangarap... masarap pag nasa kahon ka na at nakasakay sa pangarap mo... nakakatakas... lahat posible... parang nasa ibang mundo ka na... at doon, ikaw ang bida.

keep on dreaming
keep on living
we'll get there someday
-el pinoy-