After Jesus drank the wine, he
said, "Everything is done!" He bowed
his head and died.
John 19:30
At this moment, on this day, we have
seen it all.
God bows his head respectfully and
dies.
Everything dies.
Life dies.
Death dies.
Everything is done...
... except love.Only love is not done.
Only love will not die.
The death of Jesus was not the death
of a martyr, it was the revelation of
the eternal heart of God.
- Oswald Chambers
Ops! 'alang kokontra, moment ko 'to... pakita ko naman sa inyo ibang anyo ko.
Pag-ibig... yap! yan ang inalay nya sa atin hindi ang pagkamatay nya dahil kahit kelan hindi namamatay ang Diyos. Sa sobrang pagmamahal nya sa atin kahit anak nya binigay nya sa atin para ialay sa kanya katumbas ng kasalanan natin... kaya pwede mong sabihin na iniligtas ka ni Hesus... pero... sa part nya 'yon, kayo ano ginawa nyo sa sarili mo para sabihin mo na isa ka nga sa nailigtas?... ako? Makasalanan pa rin, tsk...tsk... ano bang gagawin ko sa sarili koooo!... Kahit siguro magpapako ng 12 beses si Kristo magkakasala pa rin ako, pero gagawin pa rin nyang magpapako di siya magsasawa... mahal nya ako e, mahal nya tayo. Kaya tablan naman sana tayo ng hiya.
May nabasa pala akong libro sa Kerygma (sana tama spelling ko... tama yan!) ng ipako daw si Kristo nakabuka ang mga kamay sa krus, yun daw ang pinakamahalaga at punong-puno ng pag-ibig na yakap na naramdaman ng mundo... yakap ng Diyos para sa makasalanang mundo... o di ba kung hindi pag-ibig yun e ano? Makasalanan ka na niyakap ka pa, di ng tao ha... kundi ng Diyos.

Biyernes, Abril 22, 2011
Lunes, Marso 28, 2011
ANG SARAP MAGING SENADOR ! ! !
ANG SARAP MAGING SENADOR!
Maganda rin naman ang naidudulot ng pagiging prangka ni Senador Miriam
Defensor-Santiago. Ayon kay Santiago, marami ang tumatakbong Senador
dahil sa laki ng budget na ibinibigay sa kanila kada buwan.
Lumalabas na P35,000 suweldo nila kada buwan ay pakitang-tao lang sa
milyun-milyong budget ng bawat senador. Kada buwan ay may Fixed Monthly
Budget ang bawat Senador ng humigit-kumulang P2 Milyon.
Sa opisina pa lang nila ay humigit-kumulang P500,000 ang budget nila sa
Maintenance and Operating Expenses (Rental, Utilities, Supplies at
Domestic Travels) at P500,000 para sa Staff at Personal expenses. Kaya para
makatipid ang ibang Senador, kaunti lang ang staff na kinukuha nila.
Nagtataka ka pa kung bakit mayroong mga Ghost Employee?
Bukod diyan, may P760,000 allowance pa sila kada buwan para naman sa
Foreign Travel. At ang masakit pa nito, hindi na kailangan i-liquidate
ang mga resibo ng mga gastusin 'yan kundi Certification lang ang
Requirement.
Heto pa, lahat sila ay Chairman ng mg Komite sa Senado. Ang Committee
Chairman ay tumatanggap din ng budget na sinlaki ng tinatanggap ng mga
Senador na humigit-kumulang P1 Milyon din! Hindi sila mawawalan ng
Komite dahil 24 lang ang ating mga Senador at 37 naman ang Committee sa
Senado. There's food for everybody 'ika nga! Lumalabas na doble ang kanilang
benepesiyo at kita kapag sila ay nabiyayaan ng Committee Chairmanship.
Sa P200 milyon na Budget para sa Pork Barrel ng mga Senador bawat taon,
awtomatikong may 10% na S.O.P. o kita ng Senador na P20 milyon. Ito ang
porsiyento na ibinibigay ng mga kontratista sa mga Senador na
nagbibigay sa kanila ng mga Infrastructure at Livelihood Project.
Bago matapos ang termino ng isang Senador, kumita na siya ng P100
milyon sa Pork Barrel pa lang. Yung ibang Senador mas gahaman, hindi lang 10%
kundi 20 - 30% ang komisyon hinihingi sa mga kontratista.
Pansinin niyo na lang ang pagbabago ng buhay ng ilan sa ating mga
Senador simula nang manungkulan sa puwesto. Kung dati ay simple lang ang
kanilang pamumuhay ngayon ay nakatira na sila sa mga eksklusibong subdivision,
maraming bahay sa Pilipinas at abroad at mahigit lima ang sasakyan.
Ngayon nagtataka ka pa ba kung bakit gumagastos ng daan-daang milyong
piso ang mga Senador sa kampanya para sa isang posisyon na P35,000 lang ang
suweldo kada buwan? Bawing-bawi pala ang gastos kapag naupo na!
ANG SARAP MAGING SENADOR ! ! !
Mga etiketa:
hitlist,
kongreso,
pulitika,
pulitika karnabal,
putik
Linggo, Marso 27, 2011
May Eskwelahan ba ng Shunga?
Alas kwatro na nag madaling araw... gising na naman dahil alas singko ng umaga ang duty ko ngayon, syempre kape muna at yosi bago maligo... pampagising.
Nagtatrabaho ako sa isang golf course dito sa Cavite na malapit sa amin... kaya ako kahit bitin ang tulog time in na para mag-trabaho. Alis muna syempre ng kung anong abubot sa bulsa at itago sa aking locker at umpisa na ng trabaho.
Alas singo kinse, pumasok sa amin si Rollyn, ang technical support namin. Konting kwento at kantyawan sabay tanong kung sino nakaday-off ngayon.
"Si Tagar martes eh" sabi ko... sabay tingin ni Olyn sa sked namin... "Pati pala si Kuneho" sagot nya...

NAKANAMPUTSA! 10-6 PALA AKO NGAYON... SYET! ANG SHUNGA KO! MANGMANG!
Ang sarap matulog sinayang ko... teka uwi muna para ipagpatuloy ng isang engot na katulad ko ang nabitin kong tulog... Grrrrrrr!.... Nung nakaraan naman naalimpungatan ako eh nainis ako at di ko narinig ang alarm ng relo, pagtingin ko sa wristwatch (indiglo) ko 'yung malaking kamay nasa 15 na... paspas ako para di ma-late, pagdating ko sa gate1 nadaanan ko pa yung shuttle na nakaparada (mukhang napasarap ng tulog ang driver ah, tinanghali)... diretso lang ako... pagdating ko sa gate2, saradoooo...
SYEEET! ALAS DOS PA LANG PALA NG MADALING ARAW!... UWI NA NAMAN SI SHUNGA!
Pagdating naman ng hapon nabiyayaan naman ako ng chocolate galing sa member na balikbayan, tsalap! E gutom ang shunga di na nagbreak kundi yosi break lang, naubos ko, sumakit ang ulo ko mukhang migraine, yipeeee!
What a day. Punyemas.

May eskwelahan ba para sa engot?...
I Am Grimaldi
Grimaldi
One night in 1808, a miserable-looking man came to the Manchester office of one Dr. James Hamilton looking for help. "Doctor," he groaned, "I am sick unto death. I am frightened of the terror of the world around me. I am depressed by life. I can find no happiness anywhere, and I have nothing to live for. If you can’t help me, I shall kill myself."
Dr. Hamilton regarded him compassionately. "Sir, this malady is not mortal. You only need to get out of yourself, to get some pleasure from life. I will tell you what to do. Go to the circus tonight to see the clown Grimaldi. He’s phenomenal. Grimaldi can cure any depression."
As he spoke, doctor was surprised to see a dreadful shadow came over the man’s face. "Doctor," the man replied despairingly, "I am Grimaldi." 

JOSEPH GRIMALDI (December 18, 1778 – May 31, 1837), the most celebrated of Englishclowns Grimaldi's performances were reminiscent of the classic Commedia dell'arte...
Nakanamputsa ilang beses ko ng nabasa ang famous anecdote na'to, pero hanggang ngayon di pa rin ako makapaniwala. Meron palang ganun... kung merong na-immune sa gamot si Joseph Grimaldi naman e na-immune sa sariling kasiyahan.
Gusto pa nyang paslangin at padanakin ang sariling dugo... sa sobrang depresyon sa makasalanang mundo na 'to... kung mayron pang mga taong ganito, kailangan ko silang iligtas!

...eh sino naman kaya ang magliligtas sa 'kin?
...kahit wala, kaya ko naman e pag ganito... mambabalahura na lang ako at mangungulit ng kapwa ko utot haha!
...o kaya magpapakain na lang ako sa mga nagugutom... wala nga pala ako pera, mga gutom na ispiritwal na lang bubusugin ko... di ko rin pala kaya, demonyo nga tingin sa 'kin ng iba eh (manyak daw ako, pero sa isip ko di totoo... sinungaling lang sila).
Eh kung si Grimaldi kaya manyak din madepress pa kaya? Malamang lalo na kung ala ma-manyak, talagang nakakaluko 'yun.
Kung sa 'kin naman nangyari yung katulad kay Grimaldi at wala na talagang makakalunas kahit tapal na dahon na may bulong na latin ng albularyo, di naman ako magpapakamatay... vigilante na lang ako, makikipagtuos na lang ako sa mga kriminal at utasin lahat ng masasama... patapon na rin lang ako e di paslangan na lang tayo haha!
Mga etiketa:
kwento,
talambuhay,
yan ang life
Sabado, Marso 26, 2011
Kahon ng Pangarap
Title: On the Grass
Art by: the lascionz
Ang kyut... maganda ang pagkakakulay... pero ano ba ang mensahe at mga simbolo nito?... ating himayin.
Ang langit ay ang walang katapusang pangarap... malawak... at ang mga ulap ang sumisimbolo kung maganda o pangit ang mga ito... parang panahon... may kulimlim, may maaliwalas at kung minsan maulan... at ang araw ang nagbibigay liwanag dito.
Ang kahon ay simbolo na kailangan mong lumabas para masilip mo ang lahat ng mga ito. kailangan mong lumabas ng kahon... maari din na ang kahon ay nagsasabing walang mukha para sa mga pangarap, dahil lahat, kahit sino at kung ano ka pa man... pwedeng mangarap.
Isang kahon na punompuno ng pangarap... masarap pag nasa kahon ka na at nakasakay sa pangarap mo... nakakatakas... lahat posible... parang nasa ibang mundo ka na... at doon, ikaw ang bida.
keep on dreaming
keep on living
we'll get there someday
keep on living
we'll get there someday
-el pinoy-
Mga etiketa:
pampalakas ng loob,
saloobin,
sining,
yan ang life
Mag-subscribe sa:
Mga Post (Atom)